top of page

 

 

 

 

 

 

 

ANG KALIGTASAN KAY HESU KRISTO

(Salvation in Christ Jesus)

 

John 3:16 “Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

 

John 14:6 “Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.”

Meron pa bang ibang Kaligtasan maliban kay Hesus?

            Kapatid, kailangan natin ng kaligtasan kay Hesu Kristo laman na ibinigay ng Diyos at wala ng iba.

 

Acts 4:12 “Wala nang ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin.”

 

Ano ngayon ang ating gagawin upang Maligtas?

Romans 10:9 “Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay maliligtas.”

Sabi ng Panginoong Hesus sa Rev. 3:20 “Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at siya ay kakaing kasama ko.”

 

PRAYER OF REPENTANCE AND ACCEPTANCE THROUGH CHRIST:

Prayer: Sa oras na ito, kumakatok ang Panginoong Hesus sa ating puso, at handa na ba tayo na papasukin siya sa ating puso upang siya ay manahan at ayusin an gating buhay na kaniyang ibinigay sa atin. Sumunod po kayo sa maikling panalangin ng panunumbalik sa Diyos… Yumuko po tayo at manalangin… Panginoong Diyos maraming salmat po sa mga salita mo na aking narinig sa oras na ito. Ako  po ay nagpapakumbaba sa iyong harapan humuhingi ng kapatawaran sa lahat ng aking kasalanan. Linisin mo po ako ng iyong banal na dugo na nabuhos sa krus ng kalbaryo. At sa oras na ito pinapapasok kita sa aking puso. Ikaw na po ang siyang maghari sa aking buhay. Ikaw na po ang aking Panginoon mula ngayon at magpakailanman. Ito ang aking samot dalangin sa pangalan ni Hesus, AMEN! 

Unknown Track - Unknown Artist
00:00 / 00:00
bottom of page